Haring Bayan : Republika o Monarkiya?
April 15, 1897 ( Pagtatalaga ni Bonifacio kay Emilio Jacinto bilang Pang-ulong hukbo ng dakong hilagaan ) Maraming salamat ho sa pagbabasa ng nakaraang artikulong inilimbag ko sa blog na ito, kung saan ipinapaliwanag roon kung baket si Bonifacio ay Pangulo ipinaliwanag natin kung bakit hindi kelangan sa mata ng usaping legalidad at pagkilala natin titignan ang pagka pangulo nya bagkus titignan natin ito sa mata at punto de bista ng kasaysayan, gayundin naman kung bakit ang Katipunan magsimula Agosto 24, 1896 ay naging isang ganap na rebolusyonaryong pamahalaan, yoon nga ay sa kadahilanang naisakatuparan ang pagkakaroon ng malinaw na layunin na paghiwalay sa Espana -- may sarili itong istrakturang pamamahala at si Pangulong Andres Bonifacio ang Pangulo nito. Nababalot ng kontrobersya ang pagka Pangulo ni Bonifacio dahil sa hindi tamang pagkaunawa at interpretasyon ng pagkilala nya sa kanyang sarili na nakasulat sa ilang mga dokumento, dahil ayon sa mga dokumento na ito ip